Tuesday, July 21, 2015

Unang Pag-ibig



Unang Pag ibig

Nang una kang makita
Ako ay napatulala
Napakagandang dalaga
Na ang kahalintulad ay mutya.

Noong mangyari yan
Tila gusto kong lagi masulyapan
Ang iyong labis na kagandahan
Na para bang pang araw araw ko nang pangangailangan.

Tuwing ika'y nakikita
Dama ko ang gawaing palaka
Napapalundag na may saya
At laging nakadikit sa iyo ang aking mga mata.

Tuwing ika'y sa akin nakatingin
Di ko alam ang gagawin
Napapatakbo na lang sa hiya
At magtatatago kung saan saan na parang bata.

MInsan ika'y masalamuha
Makilala ka yan lang ang aking adhika
Di ko lang magawa
Dahil ako'y natalo na ng hiya.


Kapag ngumingiti ka ramdam ko ako'y buhay na buhay
Araw ko ay walang bahid ng lumbay
Tila mundo ko'y punongpuno ng kulay
Ninais ko na ito sana ay panghabang  buhay.

Kapag nakakasabay ka sa jeep tuwing uwian
Napanganga ako sa iyong kagandahan
Wari ko ay di ko mapigilan
Ang damamin kong tumalon sa sobrang kaligayahan.

Dumating ang araw na magkahiwalay tayo
At gusto kong masundan ka saan man sa mundo 
Malalaman ko rin yan kung saan kang kolehiyo
At malamang dyan din ako kukuha ng aking kurso.

Sanay sa paglipas ng taon ay magkita tayo muli
Kahit na imposible ako pa rin ay magbabakasakali
Wala kang katumbas dahil ikaw ay kapuri puri
Na para bang isang diwata na aking minimithi

Lahat ng bituin aking aabutin
Ano mang daan ay aking tatahakin
Dahil sa mundo ito ay wala na akong nanaiisin
                                                  Kung hindi ikaw at ikaw lang ay mapapasaakin.

Ako ay Pilipino

Ako Ay Pilipino

Pilipinas, bayan kong minamahal
Dahilan na aking ikinararangal
Sa Diyos ay aking ipinagdarasal
Na ilayo ka sa banyagang mananakal.

Turo ni Rizal ay ang aking gabay
Na mahalin ang bayan ng higit pa sa buhay
Ito ay mahirap gawin ko ang pagninilaynilay
At tama lang na dapat ang lahat ay iaalay.

Kaya ngayon tayo ay malaya
Dahil sa mga bayaning may mabuting gawa
Salamat sa Dios sa kanyang biyaya
Na ang mga bayaning  Pilipino ay kanyang nilikha.

Kaya ikaw  taong may lahing Pilipino
Napadpad ka man alin mang parte ng mundo
Laging mong iuukilkil dyan sa kukute mo
Na tunay na dakila ang lahing ito.