Alamat ng Dilim
Noong bago pa lamang ginawa ang
mundo ay tuloy-tuloy lamang ang pagsikat ng araw sa buong kapanahunan, at ang
manlilikhang Bathalang ito ay mayroong isang
anak na ang pangalan nito ay Maharlika.Si Maharlika ay lumaking makapangyarihan
din na katulad ng kanyang ama. Isang araw ay nakatagpo sya ng kanyang
napupusuoang magandang babae ngunit hindi ito sinasangayunan ng kanyang ama, sa dahilan na ang dalagang
ito ay anak ng kanyang mahigpit na karibal nang sya’y nanunuyo pa lamang sa
kanyang asawa. Sa kabila ng kagustuhan ng kanyang ama ay ipinagpatuloy pa rin
ni Maharlika ang panunuyo sa babaeng ito hanggang sa sila ay magkasintahan.
Nang malaman ng kanyang ama ang balitang ito na sila ay magkasintahan na ay
galit na galit itong ama at pinaghahanap itong kanyang anak para parusahan sa
hindi pagsunod sa kanyang kagustuhan bilang makapangyarihan sa kanyang mga
nasasakupan. At kalaunan natagpuan ng kanyang mga alagad itong si Maharlika. At
agad pinadukot ng amang ito ang mga mata ni Maharlika bilang kaparusahan. Sa
kabila ng lahat na nangyari sa buhay ni Maharlika ay patuloy pa rin nyang
nilalabag ang kagustuhan ng kanyang ama hanggang sa sila ay maging isang
mag-asawa na at nagkaroon ng mga supling. Ang paniwala ni Mharlika ay hindi pa
rin sya nawawalan ng liwanag dahil ang mga mata ng kanyang mga anak at asawa
ang nagsilbing ilaw sa kanyang dilim. Dahil dito, ay napagisipan ng kanyang ama
na bilang pagmamahal sa kanyang anak at sya’y napilitan lamang na mag bigay ng
parusa dahil sa kanyang katungkulan, ay
ginawa nya bilang makapangyarihang bathala na magkaroon na ang panahon ng isang
araw at itoy nahahati sa dilim at
liwanag.
No comments:
Post a Comment