Sunday, September 15, 2013

Alamat ng Dilim



Alamat ng Dilim
      Noong bago pa lamang ginawa ang mundo ay tuloy-tuloy lamang ang pagsikat ng araw sa buong kapanahunan, at ang manlilikhang Bathalang ito ay mayroong isang  anak na ang pangalan nito ay Maharlika.Si Maharlika ay lumaking makapangyarihan din na katulad ng kanyang ama. Isang araw ay nakatagpo sya ng kanyang napupusuoang magandang babae ngunit hindi ito sinasangayunan  ng kanyang ama, sa dahilan na ang dalagang ito ay anak ng kanyang mahigpit na karibal nang sya’y nanunuyo pa lamang sa kanyang asawa. Sa kabila ng kagustuhan ng kanyang ama ay ipinagpatuloy pa rin ni Maharlika ang panunuyo sa babaeng ito hanggang sa sila ay magkasintahan. Nang malaman ng kanyang ama ang balitang ito na sila ay magkasintahan na ay galit na galit itong ama at pinaghahanap itong kanyang anak para parusahan sa hindi pagsunod sa kanyang kagustuhan bilang makapangyarihan sa kanyang mga nasasakupan. At kalaunan natagpuan ng kanyang mga alagad itong si Maharlika. At agad pinadukot ng amang ito ang mga mata ni Maharlika bilang kaparusahan. Sa kabila ng lahat na nangyari sa buhay ni Maharlika ay patuloy pa rin nyang nilalabag ang kagustuhan ng kanyang ama hanggang sa sila ay maging isang mag-asawa na at nagkaroon ng mga supling. Ang paniwala ni Mharlika ay hindi pa rin sya nawawalan ng liwanag dahil ang mga mata ng kanyang mga anak at asawa ang nagsilbing ilaw sa kanyang dilim. Dahil dito, ay napagisipan ng kanyang ama na bilang pagmamahal sa kanyang anak at sya’y napilitan lamang na mag bigay ng parusa dahil sa kanyang katungkulan,  ay ginawa nya bilang makapangyarihang bathala na magkaroon na ang panahon ng isang araw at itoy nahahati sa dilim  at liwanag.